May tatlong tisiko sa Quezon Institute (QI) na dahil sa kanilang "boredom" ay naghamunan ang isa't isa sa isang paligsahan ng palakihan ng plema.
Naguubo yung unang tisiko, at pagkatapos ay idinura sa pader yung kaniyang plema. Dikit sa pader yung plema ng unang tisiko. Palakpakan yung tatlong tisiko. Magaling... malaki, may kalaputan, at kulay berde yung plema nung unang tisiko.
Nagsimulang maguubo at magdadahak yung ikalawang tisiko at pagakatapos maguubo at magdadahak ay muling naguubo at nagdadahak siya. Pagakatapos ay idinura sa pader nung ikalawang tisiko yung kaniyang plema. Palakpakan ulit yung tatlong tisiko. Mukhang mas magaling sapagkat mas malaki, mas malapot at mas matingkad ang kulay berde at dilaw at nanginginig pa kamo yung plema nung ikalawang tisiko.
Medyo naunsiyami yung ikatlong tisiko sapagkat maliban sa mas maliit siya sa dalawang naunang tisiko, mas naunang napasok sa QI yung dalawang tisiko at mukhang mas malala ang kundisyon nila.
Hmmm... Pagakatapos mag-isip ng sandali yung ikatlong tisiko, siya'y nagpaumanhin sa dalawa niyang kasama at sumandali sa kapeterya ng QI. Pagkatapos ng ilang sandali ay bumalik yung ikatlong tisiko na may dalang "straw".
Kagaya nung dalawang naunang tisiko, naguubo at nagdadahak yung ikatlong tisiko ngunit hindi niya idinura kaagad sa pader yung kaniyang naipong plema. Lumapit muna siya sa pader at biglang hinigop na gamit yung "straw" yung dalawang plemang nakadikit sa pader at pagkatapos ay muling naguubo at nagdadahak at pagkatapos ay idinura yung kaniyang naipong plema sa pader. Pagdikit nung kaniyang dura sa pader ay nakita ng lahat na yung kaniyang plema ay hindi lang pinakamalaki at pinakamalapot, kundi pinakamaraming kulay na berde, dilaw at pula. At hindi lang iyon! Pagkaraan ng ilang sandali, nagsimulang gumapang paakyat sa pader yung kaniyang idinurang plema!
Si Bertulfo ay isang kolektor ng mga utang sa Meralco para sa elektrisidad. Sapagkat maaga niyang nasimulan ang kaniyang pangongolekta nung araw na iyon, alas siyete pa lang ng umaga ay kumatok na siya sa pinto ng una niyang parukyano sa araw na iyon.
Bumukas ang pinto. Nakita ni Bertulfo na si Misis ang sumagot sa kaniyang katok at napansin rin niya na ang suot lang ni Misis ay bra at panty sa ilalim ng kaniyang manipis na nightgown. "Misis", wika ni Bertulfo, "ako po ang inyong kolektor para sa elektrisidad." Sagot ni Misis, "Ay naku... tulog pa si Mister. Mabuti pa, bumalik ka na lang mamayang bago mag alas nuwebe at kung gising na si Mister ay tiyak na mabayaran ka na." "O, sige, po..." sagot ni Bertulfo, "tutuloy na muna po ako sa ibang bahay. Salamat po at babalikan ko na lang kayo mamaya."
Nagligid si Bertulfo sa mga kapitbahay ni Misis. Sapagkat maraming nagbayad kay Bertulfo, hindi niya napansin na nakaraan na ang alas nuwebe. Tumakbong paparoon kila Misis si Bertulfo. Humihingal pa siya ng dumating sa bahay ni Misis, kumatok agad si Bertulfo. Sabay bukas ang pinto. Si Misis ulit! "Ay naku, ka-aalis lang ni Mister", wika ni Misis. "Hindi bale, bumalik ka ng mga alas dose ng tanghali. Mate-tyempuhan mo si Mister pagkat sabi niya ay dito siya sa bahay manananghalian". Habang nagsasalita si Misis, napansin ni Bertulfo na ang suot ni Misis ay yun na lang kaniyang bra at panty. Wala na yung kaniyang nightgown! "O, sige po," wika ni Bertulfo, babalik na lang po ako ng mga tanghaling tapat." Lumakad ng paalis si Bertulfo ngunit hindi niya maalis sa kaniyang isipan ang kaniyang napansin na suot ni Misis. Hmmm... Nung una, may nightgown pa. Ngayon, bra at panty na lang. Mukhang may ibig sabihin itong si Misis. Hmmm...
Bumalik si Bertulfo kila Misis ng tanghaling tapat. Hindi pa rin ni Bertulfo nakalimutan ang unti-unting natatanggal na mga kasuotan ni Misis. Hmmm... Mabuti pa, paghandaan ko na si Misis, wika ni Bertulfo sa kaniyang sarili. Binuksan ni Bertulfo ang zipper ng kaniyang pantalon. Pagkatapos ay nilabas ni Bertulfo ang kaniyang pinakamahalagang ari-arian. Sa madaling sabi, sa kasabikan niya, nakikita na rin na handang handa na ni Bertulfo'ng ibigay kay Misis ang biyayang pinagkaloob ng diyos sa isang kababaihan! Sabay katok ni Bertulfo.
Biglang bukas yung pinto. Bigla ring dungaw ng isang napakalaking lalaki na ang tatoo ay mula tuktok hanggang talampakan at may hawak na itak. Napansin nung lalaki na bukas ang zipper ni Bertulfo at nakalabas ang kaniyang pinakamahalagang kayaman, kaya ang tanong kay Bertulfo ay: "Ano sa palagay mo ang ginagawa mo?"
Ngayon, kung kayo si Bertulfo... ano'ng isasagot niyo? Bilis!
Pagalit at pasigaw na sagot ni Bertulfo sa lalaki: "Kapag hindi pa kayo nagbayad ng utang niyo, i-ihian ko na itong bahay niyo!"
Hindi lang si Armando probinsiyano. Taga-bukid pa man din! Siya na siguro ang pinaka "promdi" sa buong mundo.
Isang umaga, kagigising pa lang niya, napansin ni Armando na ang kaniyang ari-arian ay hindi lang malaking malaki kundi matigas na matigas pa at mukhang namamaga ng husto. Natakot si Armando sa kaniyang nakita kaya kumaripas agad siya ng takbo sa bahay ni Doktor.
Kumatok si Armando. Bumukas yung pinto at pinapasok ni Doktor si Armando. "Ano'ng problema natin?" tanong ni Doktor. Sagot naman ni Armando, "Ito pong ari-arian ko, pagang-paga nung paggising ko! Natatakot po ako, Doktor..." "Hindi problema 'yan, wika ni Doktor". Kumuha si Doktor ng kung ilang "hielo" (ice cubes) mula sa kanilang freezer at ibinigay kay Armando. Paliwanag ni Doktor kay Armando, "Itong hawak ko (hielo o ice cube) ay batong puti." Reseta ni Doktor kay Armando, "Dampi-dampian mo nitong batong puti ang iyong ari-arian at sa ilang sandali ay mawawala ang pamamaga." Nagpasalamat si Armando kay Doktor at nagmadaling umuwi sa kanila.
Pagdating ni Armando sa kanila, dinampi niya ang "batong puti" sa kaniyang namamaga pa ring ari-arian. "Tama si Doktor!" wika ni Armando sa kaniyang sarili. "Sa pagdampi ng 'batong puti', humupa nga ang pamamaga!"
Lumipas ang ilang araw, gumising si Armando isang umaga na matigas at namamaga na naman ang kaniyang ari-arian. Takbo agad si Armando kila Doktor. Kumatok si Armando. Bumukas ang pinto at pinapasok ni Misis si Armando. Tanong ni Armando kay Misis, "Kailangan ko po ng 'batong puti' ni Doktor kasi namamaga na naman ang aking ari-arian." "Wala dito si Doktor", sagot ni Misis. "Ano ba ang nararamdaman mo?", tanong ni Misis. Ipinakita at ipinahipo ni Armando ang kaniyang ari-arian kay Misis at natuwa si Misis sapagkat tunay nga namang sobra ang pamamaga... hindi lang napakalaki... napakatigas pa."
Biglang nagka-idea si Misis. Tinanggal ni Misis ang kaniyang palda at ang kaniyang panty. Ipinakita ni Misis ang kaniya namang ari-arian kay Armando. Wika ni Misis, "Ito ay 'batong itim'. Ipasok mo ang iyong namamagang ari-arian diyan at tiyak na mawawala ang pamamaga." Sa madaling sabi, pinasok na ni Armando, nilabas ulit, pinasok ulit, nilabas ulit... buweno, alam niyo na ang nangyari pagkatapos...
Pagkatapos nila Armando at Misis sa "batong itim" therapy, tinanong ni Misis kay Armando, "O, ano ngayon ang masasabi mo... Ano ang mas magaling, yung batong puti o yung batong itim?"
Sumagot si Armando, "Naku, Misis, kung ako lang, ang tatanungin, mas magaling ang 'batong itim!"
"Bakit mo naman nasabi yun?", tanong ni Misis.
Nakangising sumagot muli si Armando, "Aba, ay may gagaling pa baga diyan sa batong itim. Tanggal na ang pamamaga, labas pa ang nana!"
Araw araw, wala nang ginawa si Oka kundi uminom at maglasing sa tienda sa kanto nila.
Isang umaga bago pumunta si Oka sa tienda upang muling uminom, sinigawan niya ang asawa niya, "Gusto ko, pagbalik ko rito mamayang tanghali, e, luto na ang ating tanghalian. Ang gusto kong kainin ngayon ay adobong manok!"
Sapagkat ayaw niyang mapagbuhatan ng kamay, umalis agad ang asawa ni Oka upang mamalengke sa merkado sa bayan. Kaalis pa lang ng asawa niya, umalis na rin agad si Oka upang pumunta sa tienda at muling uminom kasama ng kaniyang barkada.
Samantala, madaling namalengke ang asawa ni Oka sapagkat gusto niyang makauwi ng maaga at masimulan ang pagluluto ng adobong manok. Nakapagsimula nang katayin ng asawa ni Oka yung manok sa kanilang paminggalan. Napadugo na at nakakalat na ang bituka, atay at balun-balunan ng manok sa kanilang paminggalan ng mahalata niya na nakalimutan niyang bumili ng suka, bawang at toyo. Nagmadaling bumalik sa palengke ang asawa ni Oka upang bilhin ang kakulangang mga rekado.
Sa dami ng kaniyang nainom, wala pang tanghali ay lasing na lasing na si Oka. Pagapang na umuwi si Oka sa kanila. Nahihiya si Oka na makita ng kanilang kapitbahay ang kaniyang kalasingan kaya sa likod siya dumaan sa kanilang paminggalan para pumasok sa bahay. Paakyat pa lang ng hagdanan ng kanilang paminggalan si Oka, naramdaman na niya na masusuka na siya. Halos kararating pa lang ni Oka sa tuktok ng kanilang hagdanan patungo sa kanilang paminggalan ay namuwalan na siya at nagsimula na siyang magsuka. Sabog ang kaniyang suka sa paminggalan at pagkatapos ay hinimatay si Oka dala ng kaniyang kalasingan.
Pagkaraan ng ilang sandali ay nagising agad si Oka. Pagdilat ng kaniyang mga mata, nakita niya na may bituka, atay at balun-balunan na nakahalo sa kaniyang suka. Sa kaniyang takot na naisuka niya ang kaniyang sariling bituka, madali niyang pinilit na isubo at lulunin ang lahat ng nakakalat na magkahalong suka at bituka, atay at balun-balunan sa kanilang paminggalan.
Walong taon na sila Bertulfo at Agatha'ng gustong gusto magkaanak. Pagkatapos ng ilang taong pag-ko-Clomid ni Agatha, pag-i-isperm test ni Bertulfo, at pitong in-vitro sessions, nabuntis rin si Agatha. Alagang alaga ni Bertulfo ang buntis na si Agatha pagkat matagal na nilang hinahangad na magkaanak.
Isang gabi, gumising ng madaling araw si Agatha.
Agatha: Bertulfo, gising! May kailangan ako!
Bertulfo: Ano ba 'yan? Madaling araw, e, nanggigising ka ng iba...
Agatha: O, sige. Kapag hindi ko nakuha ang gusto ko, baka makunan ako!
Biglang nagising at tumayo si Bertulfo.
Bertulfo: Sandali lang... O, sige... Ano'ng kailangan mo?
Agatha: Parang gusto ko ng tae...
Bertulfo: Ha?!?!?!?! Tae?!?!?!?! Nasisiraan ka na ba ng ulo?
Agatha: O, sige... pagnakunan ako... basta, kasalanan mo!
Bertulfo: O, sige na nga! O, aalis muna ako...
Lumisan si Bertulfo at ginalugad ang kanilang pook sa paghahanap ng tae. Sa bandang huli, nakakita si Bertulfo ng tae ng aso sa isang kanto. Dinakot ni Bertulfo ang tae ng aso at marahang isinilid sa isang supot. Umuwi si Bertulfo na dala ang tae ng aso para kay Agatha.
Bertulfo: O, heto na ang hinihingi mo'ng tae.
Agatha: Ay, ayoko niyan!
Bertulfo: Ha?!?!?!?! Isang horas akong naghanap ng tae sa labas. Ngayong nadalhan na kita, e - ayaw mo na!
Agatha: Basta, ayoko niyan.
Bertulfo: E, anong gusto mo?
Agatha: Gusto ko, yung tae mo!
Bertulfo: Ha?!?!?!?! Naloloka ka na ba?!?!?!?!?! Tae ko pa ngayon ang hinihingi mo!
Agatha: O, sige. Pagnakunan ako, basta, kasalanan mo...
Bertulfo: O, siya. Sige, akong bahala.
Pumunta si Bertulfo sa kanilang toilet at pagkaraan ng ilang sandali, bumalik na siya kay Agatha.
Bertulfo: O, tapos na. Ayun sa inudoro yung tae ko.
Agatha: Ay, ayoko doon. Gusto ko, yung tae mo, nasa platito at may kutsarita!
Bertulfo: Ha?!?!?!?!?! Naloloka ka na ba?!?!?!?!
Agatha: O, sige. Pagnakunan ako, basta, kasalanan mo...
Bertulfo: O, siya. Sige na nga.
Marahang sinalok ni Bertulfo ang kaniyang palutang-lutang na tae sa inudoro at inipon sa isang platito. Nang marami-rami na siyang naipon sa platito, dinala na niya kay Agatha.
Bertulfo: O, heto na yung hinihingi mo. Nasa platito at hayan ang kutsarita.
Agatha: Gusto ko, tikman mo!
Bertulfo: Ha?!?!?!?! Gusto mo'ng tikman ko ang tae ko?!?!?!?! Naloloka ka na ba?!?!?!?!
Agatha: O, sige. Pagnakunan ako, basta, kasalanan mo...
Bertulfo: O, siya. Sige na nga.
Kumuha ng isang kutsarita'ng tae si Bertulfo at pilit na pilit at marahang isinubo sa kaniyang sarili.
Nginuya.
Nilulon.
Agatha: O, ano'ng lasa?
Bertulfo: E, ano pa? E, di lasang tae!
Agatha: Ay! Ayoko na! Lasang tae pala...
Nagtaka yung isang mamimili kung bakit ang presyo nung isang pitaka na karaniwan ay PHPesos200.00 lang ay nagkakahalagang PHPesos2,000.00.
Nung nagtanong yung mamimili sa nagbebenta, wika nung nagbebenta: Ah! Iba pong klaseng pitaka 'yan. 'Yang pitakang 'yan ay di pangkaraniwan. At binebenta 'yang pitakang 'yan sa mga kababaihan lamang!
Tanong naman nung mamimili: Napakalaki namang nung diperensiya sa presyo. Ano namang di pangkaraniwang uri ang mayroon 'yan? At bakit mga babae lamang ang pwedeng bumili niyan?
Sagot nung nagbebenta: 'Yang pitakang 'yan ay gawa sa balat ng bayag. Kapag hinaplos-haplos 'yan ng isang babae, 'yang pitaka ay nagiging maleta!
Paligsahan ng kadiri-dirian, kasuka-suka at karumaldumal na palabas ng mga magkakatunggali.
Una si Oscar na umakyat sa entablado. Nagsimula na kamong mag-titiris ng kaniyang napakaraming tagihawat at bawa't isa ay inipon at pagkatapos ng kaniyang palabas ay isang tabo ang napuno! Palakpakan ang mga nanunuod!
Sumunod si Elpidio na umakyat sa entablado. Naguubo at nagdadahak at nagdudura sa dala niyang palanggana. Muling naguubo at nagdadahak at lumura na naman sa palanggana. Paulit ulit na ginawa ito ni Elpidio hangang halos umapaw ang naipong plema at dura sa palanggana. Mas malakas ang palakpakan ng mga nanunuod!
Sumunod naman si Berto na umakyat sa entablado. Nagtitiris naman ng mga nana sa mga bakokang sa iba't ibang bahagi ng kaniyang katawan at ng matapos ay isang balde ang napuno ng nana galing sa mga bakokang. Higit na malakas ang palakpakan ng mga nanunuod!
Huling umakyat sa entablado si Armando. Sinalin ang nilalaman ng tabo na nanggaling sa mga tiniris na tagihawat ni Oscar sa balde ng mga inipon namang nana na galing kay Berto. Dahan dahang ininom ni Armando ang laman ng balde… una munang minumumog bago lulunin. Inom... mumog... lulon... hanggang masaid ang nilalaman ng balde. Sa madaling sabi, panalo si Armando!
Unang Langaw: Pare, na-uutot ako!
Pangalawang Langaw: Pare ko, wala namang ganyanan... kita mo namang kumakain tayo,e...